anong meron?

Sa pinaka sentro ng Maynila, ang saya, lasa, at kulay sa bawat kanto ay hatid ng ating mga tindero at tindera sa kalsada. Pero sa kabila ng kanilang sipag, marami pa rin ang walang gabay pagdating sa pagrerehistro, kaya narito ang Payong Tindero, handang magbigay ng payo sa ilalim ng payong mo.

PAANO MAGING

PAYONG TINDERO?

Ang mga street vendor ay nagbibigay-kulay at sigla sa ating lungsod, nag-aalok ng mga produktong kinagigiliwan ng marami. Kung nais mong magpatuloy sa pagtitinda sa tamang paraan, sundin ang mga madaling hakbang na ito upang maging rehistradong tindero o tindera.

Ano ang

HAWKERS PERMIT?

Applicable lamang sa mga Vendors na hindi Kariton

Ang Hawkers Permit ay opisyal na pahintulot mula sa Hawkers Department ng Maynila para makapagtinda ka sa mga sidewalk o itinakdang lugar.
 Ito ay kailangang i-renew taon-taon (yearly) at sumasailalim sa inspeksyon ng mga opisyal.

Benefits ng May Vendor’s Permit

  1. Ligtas ang mga gamit mo:
    • Hindi ka kukuripot o tatakbo tuwing may clearing operation ng MMDA o Task Force dahil legal ang pwesto mo.
  2. Siguradong Puwesto:
    • May sarili kang spot sa mga “designated zones.” Hindi ka basta-basta mapapaalis o maagawan ng pwesto ng ibang tindero.
  3. Lakas sa Benta:
    • Mas bilib ang customer sa’yo. Kapag nakita nilang may permit ka, alam nilang malinis at legal ang tinitinda mo kaya mas kampante silang bumili.

Consequences Kapag Walang Permit

STEP BY STEP PROCESS ng Pagkuha ng Hawkers Permit

STEP #1

hanapan ng lugar sa pagtitinda

Pumili ng lugar kung saan mo gustong magtinda! Siguraduhing hindi ito “no vending zone”. Paalala, pwdelang kayo magtinda sa mga looban at hindi po sa main road. Tandaan ang mga non-negotiable areas.

Mga non-negotiable areas:

 Angel Linao

Carriedo

Blumentritt

Juan Luna

Soler

C.M. Recto

Pedro Gil

Padre Faura

STEP #2

Kumuha ng Barangay Vending Clearance

Pumunta sa barangay kung saan mo planong magtinda. Hilingin ang “Vending Clearance” sa Barangay Chairman bilang pahintulot na maaari kang magtinda sa lugar.

STEP #3

pumunta sa hawkers office

Dalhin ang Barangay Clearance at ipasa sa Hawkers Department (4th Floor, Clock Tower, Manila City Hall). Gawin ang mga sumusunod:

> TANDAAN! Kailangan ang clearance, valid ID, at application form.

  • Mag-fill up ng Application Form
  • Maghintay ng inspection schedule (karaniwang 1–2 oras ang proceso) para i-check ang lugar mo.

Pagkatapos, ang puting kopya para sa ’yo, at ang green ay para sa Hawkers. 

STEP #4

Magbayad sa City Hall Taxpayer’s Office

Pagkatapos ma-approve ang iyong application, bibigyan ka ng Order of Payment (O.P.).

  • Pumunta sa Taxpayer’s Lounge (Ground Floor, City Hall)
  • Bayaran ang halaga ayon sa iyong application
  • Itago ang Official Receipt (O.R.) na-issue pagtapos magbayad.

Mga Karaniwang Bayarin:

  • Regulatory Fee: ₱1,075 (yearly, isang bayad)
  • Monthly Dues: ₱600–₱700 (kasama na ang ₱20 daily cash ticket)

> Size Limit of Cart: 1 meter × 1 meter (kung lalampas, dagdag ₱20 per meter)

STEP #5

Ibalik at Ipresenta ang mga dokumento sa Hawkers Office

Dalhin ang iyong:

  • Official Receipt (O.R.)
  • Order of Payment (O.P.)
  • Application Form

Ibigay ang mga application form sa Hawkers. Magintay lamang at kunin na ang inyong Hawkers Permit (blue card)!

 

> TANDAAN!  Ilaminate at ipaskil ang Hawkers Permit sa inyong kariton o payong bilang patunay na legal kang vendor.

Kumuha ng kopya!

Magkaroon ng digital na kopya ng pamphlet na naglalaman ng lahat ng hakbang para makakuha ng Hawker’s Permit at maging rehistradong vendor!

Operating Hours at Lokasyon ng mga Opisina

hawkers Dept. Office

  • 7:00 AM – 4:00 PM
  • 4th Floor, Clock Tower, Manila City Hall
  • bopmanila.hawkers.admn.@gmail.com

taxpayer's Office (city treasurer)

  • 7:00 AM – 4:00 PM
  • Ground Floor, City Hall (Glass Doors)

sanitation department (for health certificate)

  • Taft – Rosario Reyes Health Center, San Andres St.
  •  Contact: Ms. Marissa David, Sanitary Inspector IV – 0917-576-0699
  • Manila Health Department, Ground Floor, City Hall

manila city hall

© 2026 Payong Tindero

payongtindero@gmail.com

Scroll to Top