Ang Payong Tindero ay nagsisilbing silong ng kaalaman at lakas-loob para sa mga street vendors ng Maynila. Sa pamamagitan ng mga kuwento, bidyo, at madaling maunawaang impormasyon, layunin naming maging gabay tungo sa ligtas na pagbebenta, sa ilalim ng makulay na payong ng bawat tindero at tindera.
sa ilalim ng
payong tindero...
Kami ay mga mag-aaral ng Multimedia Arts mula sa De La Salle-College of Saint Benilde na naniniwalang ang paglikha ay maaaring maging daan sa mas makataong lungsod.
Sa pamamagitan ng aming proyekto, nais naming iparinig at ipagdiwang ang tinig ng mga tindero at tindera sa paligid ng mga Unibersidad sa Maynila.
tungkol sa project
Itinatag ang proyektong ito bilang tugon sa kakulangan ng malinaw na komunikasyon sa pagitan ng street vendors at LGU, lalo na sa proseso ng pagrerehistro. Layunin ng Payong Tindero na magbigay ng simple at malinaw na impormasyon upang matulungan ang mga tindero ng Maynila na maging lehitimo at protektado sa kanilang hanapbuhay.
Ang pangalang Payong Tindero ay nagmula sa salitang “payong”, na sumisimbolo ng proteksyon at kabuhayan, at “payo” bilang gabay. Tulad ng payong na nagbibigay silong, nais ng proyekto na maghatid ng suporta at kaalaman sa bawat tindero at tindera.
MISYON
Gawing malinaw, abot-kamay, at may malasakit ang impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng mga tindero, at hikayatin silang magsimula tungo sa legal na proteksyon.