PAANO MAGING

PAYONG TINDERO?

Ang mga street vendor ay nagbibigay-kulay at sigla sa ating lungsod, nag-aalok ng mga produktong kinagigiliwan ng marami. Kung nais mong magpatuloy sa pagtitinda sa tamang paraan, sundin ang mga madaling hakbang na ito upang maging rehistradong tindero o tindera.

Ang gabay na ito ay para sa lahat ng street vendors sa Maynila na gustong mag-apply ng Hawkers Permit. Layunin nitong tulungan kayo na maintindihan nang malinaw at madali ang proseso, requirements, at mga bayarin.

Ano ang

HAWKERS PERMIT?

Ang Hawkers Permit ay opisyal na pahintulot mula sa Hawkers Department ng Maynila para makapagtinda ka sa mga sidewalk o itinakdang lugar.
 Ito ay kailangang i-renew taon-taon (yearly) at sumasailalim sa inspeksyon ng mga opisyal.

kailangan ba ng

sanitation permit?

Kapag pagkain ang tinitinda, siguraduhing kumuha ng Sanitation Permit. Ito ay kailangan upang matiyak na ligtas at malinis ang pagkaing inihahanda, at maprotektahan ang kalusugan ng tindero at mamimili.

Pumunta sa GoManila.com o sa Manila Health Department upang kumuha ng Health Certificate para sa mga HAWKERS.

STEP BY STEP PROCESS ng Pagkuha ng Hawkers Permit

STEP #1

hanapan ng lugar sa pagtitinda

Pumili ng lugar kung saan mo gustong magtinda! Siguraduhing hindi ito “no vending zone”. Paalala, pwdelang kayo magtinda sa mga looban at hindi po sa main road. Tandaan ang mga non-negotiable areas.

Mga non-negotiable areas:

 Angel Linao

Carriedo

Blumentritt

Juan Luna

Soler

C.M. Recto

Pedro Gil

Padre Faura

STEP #2

Kumuha ng Barangay Vending Clearance

Pumunta sa barangay kung saan mo planong magtinda. Hilingin ang “Vending Clearance” sa Barangay Chairman bilang pahintulot na maaari kang magtinda sa lugar.

STEP #3

pumunta sa hawkers office

Dalhin ang Barangay Clearance at ipasa sa Hawkers Department (4th Floor, Clock Tower, Manila City Hall). Gawin ang mga sumusunod:

> TANDAAN! Kailangan ang clearance, valid ID, at application form.

  • Mag-fill up ng Application Form
  • Maghintay ng inspection schedule (karaniwang 1–2 araw) para i-check ang lugar mo.

Pagkatapos, ang puting kopya para sa ’yo, at ang green ay para sa Hawkers. 

STEP #4

Magbayad sa City Hall Taxpayer’s Office

Pagkatapos ma-approve ang iyong application, bibigyan ka ng Order of Payment (O.P.).

  • Pumunta sa Taxpayer’s Lounge (Ground Floor, City Hall)
  • Bayaran ang halaga ayon sa iyong application
  • Itago ang Official Receipt (O.R.) na-issue pagtapos magbayad.

Mga Karaniwang Bayarin:

  • Regulatory Fee: ₱1,075 (yearly, isang bayad)
  • Monthly Dues: ₱600–₱700 (kasama na ang ₱20 daily cash ticket)

> Size Limit of Cart: 1 meter × 1 meter (kung lalampas, dagdag ₱20 per meter)

STEP #5

Ibalik at Ipresenta ang mga dokumento sa Hawkers Office

Dalhin ang iyong:

  • Official Receipt (O.R.)
  • Order of Payment (O.P.)
  • Application Form

Itago na ang iyong puting kopya, at ibigay ang green na kopya sa Hawkers. 

 

Antayin ang takdang-araw ng releasing ng iyong opisyal na permit

STEP #6

Bumalik sa Hawkers Office para Kunin ang Hawkers Permit

Pagkatapos ng ilang araw, bumalik sa Hawkers Office sa itinakdang petsa para kunin ang Hawkers Permit (Blue Card)

> TANDAAN!  Ilaminate at ipaskil ang Blue Card sa inyong kariton o payong bilang patunay na legal kang vendor.

Kumuha ng kopya!

Magkaroon ng digital na kopya ng pamphlet na naglalaman ng lahat ng hakbang para makakuha ng Hawker’s Permit at maging rehistradong vendor!

Operating Hours at Lokasyon ng mga Opisina

hawkers Dept. Office

  • 7:00 AM – 4:00 PM
  • 4th Floor, Clock Tower, Manila City Hall
  • bopmanila.hawkers.admn.@gmail.com

taxpayer's Office (city treasurer)

  • 7:00 AM – 4:00 PM
  • Ground Floor, City Hall (Glass Doors)

sanitation department (for health certificate)

  • Taft – Rosario Reyes Health Center, San Andres St.
  •  Contact: Ms. Marissa David, Sanitary Inspector IV – 0917-576-0699
  • Manila Health Department, Ground Floor, City Hall

manila city hall

© 2025 Payong Tindero

payongtindero@gmail.com

Scroll to Top