Sa pinaka-sentro ng Maynila, hatid ng ating mga tindero at tindera sa kalsada ay ang saya, lasa, at kulay sa bawat kanto. Pero sa kabila ng kanilang sipag, marami pa rin ang walang gabay pagdating sa pagrerehistro, kaya narito ang Payong Tindero, handang magbigay ng payo sa ilalim ng payong mo.

Ang Payong Tindero ay nagsisilbing silong ng kaalaman at lakas-loob para sa mga street vendors ng Maynila. Sa pamamagitan ng mga kuwento, bidyo, at madaling maunawaang impormasyon, layunin naming maging gabay tungo sa ligtas na pagbebenta, sa ilalim ng makulay na payong ng bawat tindero at tindera.

MISYON

Gawing malinaw, abot-kamay, at may malasakit ang impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng mga tindero, at hikayatin silang magsimula tungo sa legal na proteksyon.

VISYON

Isang komunidad ng mga tindero at tindera sa kalsada na may sapat na kaalaman, proteksyon, at pagkilala bilang mahalagang bahagi ng ekonomiya at kultura ng lungsod ng Maynila.

I-check ang aming social media

Scroll to Top