PAANO MAGING
PAYONG TINDERO?

Ang mga street vendor ay nagbibigay-kulay at sigla sa ating lungsod, nag-aalok ng mga produktong kinagigiliwan ng marami. Kung nais mong magpatuloy sa pagtitinda sa tamang paraan, sundin ang mga madaling hakbang na ito upang maging rehistradong tindero o tindera.

Ang gabay na ito ay para sa lahat ng street vendors sa Maynila na gustong mag-apply ng Hawkers Permit. Layunin nitong tulungan kayo na maintindihan nang malinaw at madali ang proseso, requirements, at mga bayarin.

Ano ang

HAWKERS PERMIT?

Ang Hawkers Permit ay opisyal na pahintulot mula sa Hawkers Department ng Maynila para makapagtinda ka sa mga sidewalk o itinakdang lugar.
 Ito ay kailangang i-renew taon-taon (yearly) at sumasailalim sa inspeksyon ng mga opisyal.

MGA KAILANGAN (REQUIREMENTS

Bago magsimula, ihanda muna ang mga sumusunod:

  • Barangay Vending Clearance (kuha sa barangay kung saan ka magtitinida)
  • Application Form (ibibigay sa Hawkers Office)

  • Order of Payment (O.P.) – manggagaling din sa Hawkers Office

  • Official Receipt (O.R.) – mula sa Taxpayer’s Office matapos magbayad

  • Hawkers Permit (Blue Card) – ibinibigay kapag kumpleto na ang proseso

  • Health Certificate (para sa ambulant vendors) – galing sa Sanitation Department
      • Kailangan ng medical exam para ma-issue ang digital Health Certificate

STEP BY STEP PROCESS

Operating Hours at Lokasyon ng mga Opisina

Hawkers Department

  • 7:00 AM – 4:00 PM
  • 4th Floor, Clock Tower, Manila City Hall
  • bopmanila.hawkers.admn.@gmail.com


Taxpayer’s Office (City Treasurer)

  • 7:00 AM – 4:00 PM
  • Ground Floor, City Hall (Glass Doors)


Sanitation Department (for Health Certificate)

  • Taft – Rosario Reyes Health Center, San Andres St.
  •  Contact: Ms. Marissa David, Sanitary Inspector IV – 0917-576-0699
  • Manila Health Department, Ground Floor, City Hall

I-check ang aming social media

Scroll to Top